May Lihim ang Gabi

Psst! Alam mo bang ang gabi’y may lihim?
Sa katahimikan ng paligid, dalawang anino ang pumuslit
Nag-uunahan ang mga hakbang, tila may tinatakasan.
Kumukubli, pasilip-silip–
Tila nangangambang sila’y madakip.

Psst! Kilala mo ba ang mga pumuslit?
Sila’y patungo sa dalampasigan
Kung saan ang magsing-irog, nagpapahayag ng pagsinta
Sa ilalim ng sinag ng buwan at piping kindat ng mga tala,
Sa banayad na alon at mabining haplos ng hangin.

Psst! Nakikita mo na ba sila?
Magkayakap, mahigpit
May pananabik sa kanilang tinig
May kislap ng luha sa mga mata
Bagaman puso’y umaapaw sa ligaya.

Psst! Kilala mo ba sila?
 –magsusumbong ka ba?
Psst!
Ssshh…
May lihim ang gabi.

3 Responses to May Lihim ang Gabi

  1. cliff ay nagsabing:

    oist Salve, ‘wag kang mamboso. Baka ako yung isa. Yong may luha!

    HAR HAR HAR!

  2. Salve ay nagsabing:

    tatang, panong magiging ikaw yan e ang layo mo dito?😀

  3. cliff ay nagsabing:

    with my present state of health my dear, i sail only with the south-east winds and believe me, (kahit ‘jolog’) ang kaluluwa ko ay palaging nasa baywalk ng Manila Bay.

    …so you see, kahit malayo ako (?).

    Oh dear, that “Sunset” is ‘too’ hard to catch!
    🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: