Sa Pila ng FX

Sa pila ng FX, sa bandang Cubao
May aleng mahilig magpahintay
Kung umasta’y tila mataas na opisyal
Nagagalit kung siya’y nasasaway.

Ilang beses ko na rin siyang nakasabay
At muntik pa ngang kami’y mag-away
Akalain mong ako’y utusan
Na ang lugar niya raw ay huwag papilahan.

Ako’y naguluhan sa kanyang asta,
Puwede bang magreserba ng lugar sa pila?
Hindi ba’t kapag ito’y iyong iniwang basta
Nangangahulugang ito’y iyo nang ipinauubaya?

Karamihan sa mga pumipila’y ganito
Tila ang pagtitiyaga’y wala sa bokabularyo.
Aba’y mag-isip at maawa naman kayo
Sa ibang naroon at nagsasakripisyo!

©Salve Canale Posted: March 6, 2007 www.emanilapoetry.com

10 Responses to Sa Pila ng FX

  1. cliff ay nagsabing:

    HAK HAK HAK!

    You are really funny Salve!

    Oist, maganda ba siya? Get her address, I’ll tame her. I promise she’ll come back like an “Angel”

    :))

  2. Salve ay nagsabing:

    pretty sya, tatang. kaya lang pangit ugali!

  3. Sherma ay nagsabing:

    He he he girl. I like this post. Gosh, I just can imagine how annoyed you were. Itaas ang kilay! He he he.

    And i like yung style mo din. It reminds me of my “Presidenyabols 98.” I’m not sure if its the style or the tone ang similarity nila… Mahanap nga kung nasaan na yun.🙂

    ********

    Hi VF! “Tame” her? And since when ka pa naging mahusay mag-tame? Remember you vowed before that you’d tame me? Look what has happened. Instead of “Taming of the Shrew,” our story has resembled that of “The Tamer Tamed!”

    Huuuuu!

  4. cliff ay nagsabing:

    I predicted what will come next et voila, the shrew noticed it!

    Hoiiiiiiiiist…. Ms. Benosa……..!

    Aller Salve, kuninmo yung address niya and I’ll clip her horns and tail, the way I did to Aling Simang!

    HAR HAR HAR!

  5. cliff ay nagsabing:

    see?

    I also clipped her tounge!

    HAR HAR HAR!

  6. Salve ay nagsabing:

    at nag-away pa talaga kayo dito, ha? i think you tamed each other. aminin!

    tatang, i don’t see the annoying “ale” anymore. di na ko sa cubao sumasakay. because of her. haha!

  7. Sherma ay nagsabing:

    Girl, sakay ka na lang sa Philcoa. Meron dun pila papunta Ortigas.
    Or, mag-bus ka na lang. Ortigas na ang baba.
    Or, if marami kang datung, magtaxi ka, daan ka c5. Sarap dun biahe pag ala trapik.

  8. Salve ay nagsabing:

    haba ng pila sa philcoa, girl. minsan pa lang ako sumakay dun. convenient sana kasi tapat na ng office ang baba ko.

    hmmm… sarap sana kung marami akong datung. taxi araw-araw. haha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: